Kung matagal ka ng Online freelancer, naranasan mo na siguro ang "Feast and Famine"
Yung meron kang client ngayon buwan tapos sa sunod wala.
Tapos sa sunod meron nanaman, tapos matagal nanaman wala.
Up and down at walang stability kasi pabago bago.
Sadly, almost 90% of freelancers ganito ang experience.
Now, why do you think nangyayari ito?
Simple lang, tayong mga pinoy , may "Employee Mindset".
Ano ibang sabihin nito?
Parang pag aapply lang ng trabaho, kapag tinanggap na tayo sa isang kumpanya, titigil na din tayo maghanap at mag apply sa iba.
Stick to one nalang tayo kumbaga.
Eh paano kung di na pala kailangan ni client ang services natin?
Edi wala na, biglang mawawalan tayo ng trabaho diba.
So ano ang solusyon?
Imbes na "employee mindset", we should adopt a "Business owner mindset".
Tandaan moi kung freelancer ka, hindi ka empleyado, business owner ka.
It means, kailangan mo mag generate ng maraming clients para sa business mo at may system ka that pays you consistently every single month.
Dito ka makakawala sa Feast and Famine.
Magiging stable at regular na ang kinikita natin.
Kagaya ng isang student, si James,newbie pero nakapag charge ng malaking fee...